Tatlong Sundalo at Isang Sibilyan, Sugatan Matapos Hagisan ng Granada ang Kampo ng 18th IB sa Basilan

Tatlong sundalo at isang sibilyan ang sugatan matapos hagisan ng granada ang kampo ng 18th Infantry Battalion sa Lamitan, Basilan.
Tatlong Sundalo at Isang Sibilyan, Sugatan Matapos Hagisan ng Granada ang Kampo ng 18th IB sa Basilan

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Sugatan ang tatlong sundalo at isang sibilyan matapos hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang headquarters ng 18th Infantry Battalion sa Barangay Campo Uno, Lamitan, Basilan.

Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina Pvt. Chico D. Obillo (PA), Pvt. Armando M. Patinio III (PA), at Cpl. Generalao Olado Jr. (PA), habang ang sibilyan naman ay si Elmer Andrade Tolosa.

Batay sa ulat ng Lamitan City Police Station, isang riding-in-tandem ang umano’y naghagis ng granada sa loob mismo ng kampo pasado alas-7:00 ng gabi August 6,2025.

Nagkaroon ng sugat mula sa shrapnel ang mga biktima at agad na dinala sa Lamitan District Hospital para sa agarang gamutan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable sa naturang insidente.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail