Severe Tropical Storm ‘Podul’ papasok sa PAR sa loob ng 24 oras — PAGASA

Ang Severe Tropical Storm “Podul” ay inaasahang papasok sa PAR sa loob ng 24 oras at papangalanang “Gorio,” ngunit hindi direktang makakaapekto sa bansa sa susunod na limang araw.
Severe Tropical Storm ‘Podul’ papasok sa PAR sa loob ng 24 oras — PAGASA

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng 24 oras ang Severe Tropical Storm (STS) “Podul,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, Agosto 10. Kapag nakapasok, tatawagin itong “Gorio.”

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,615 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hanging 110 kilometro kada oras malapit sa gitna, pagbugso hanggang 135 kilometro kada oras, at central pressure na 985 hPa. May lakas ng hangin itong umaabot hanggang 280 kilometro mula sa sentro at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Inaasahan na magpapatuloy ang kanlurang direksyon ng bagyo hanggang bukas, Agosto 11, bago posibleng lumiko patungong pakanlurang-kanluran o hilagang-kanluran mula Agosto 12. Sa loob ng susunod na limang araw, hindi ito inaasahang direktang makaapekto sa lagay ng panahon at karagatan ng bansa.

Tinatayang dadaanan nito ang southern Ryukyu Islands sa Agosto 13 at posibleng mag-landfall sa Taiwan sa hapon o gabi ng parehong araw.

Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na disaster risk reduction and management offices na manatiling nakaantabay sa mga susunod na update ng PAGASA.

Source: PAG-ASA

Philippine People's Press | In Truth We Prevail