PNP nasamsam ang Tinatayang ₱605.2-milyong halaga ng shabu sa Zamboanga City

Nakakumpiska ang PNP ng 89 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱605.2 milyon sa isang operasyon sa Zamboanga City.
PNP nasamsam ang Tinatayang ₱605.2-milyong halaga ng shabu sa Zamboanga City

Tinatayang nasa ₱605.2 milyon ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa isang malakihang anti-drug operation nitong Linggo ng umaga, Agosto 31, 2025.

Aabot sa 89 kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa tatlong suspek na pawang itinuturing na high-value target ng otoridad. Kinilala ang mga ito sa mga alyas na “Baser”, 53; “John”, 27; at “Adil”, 41.

Ayon sa PNP, agad na dinala ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng Zamboanga City Police para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Patuloy ang mas pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa malakihang bentahan ng droga sa rehiyon.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail