Mosyon ni Sotto kontra dismissal sa Impeachment ni VP Duterte, ibinasura ng Senado

Ibinasura ng Senado ang mosyon ni Sen. Tito Sotto na ipagpaliban ang pagboto sa dismissal ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Mosyon ni Sotto kontra dismissal sa Impeachment ni VP Duterte, ibinasura ng Senado

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Malinaw ang naging desisyon ng Senado nitong Miyerkules, Agosto 6, matapos ibasura ang mosyon ni Senate Minority Leader Tito Sotto na ipagpaliban ang pagboto sa dismissal ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Iginiit ni Sotto na hindi pa pinal at executory ang desisyong inilabas ng Korte Suprema na ginamit bilang basehan sa pagpapabasura ng reklamo. Gayunman, natalo ang kanyang mosyon sa botong 5-19.

Kabilang sa mga senador na sumuporta kay Sotto sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Ping Lacson, at Kiko Pangilinan. Ngunit nanaig ang mayorya na ituloy ang pagtalakay at pagboto sa mosyon ni Senador Rodante Marcoleta para tuluyang ibasura ang kaso.

Sa hakbang na ito, mas napalapit si VP Duterte sa tuluyang paglaya mula sa banta ng impeachment.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail