MILITAR, MANANATILING NAKA-ALERTO SA HOLIDAY SEASON SA KABILA NG IKA-57 ANIBERSARYO NG NPA

Naka-alerto ang militar sa buong holiday season sa kabila ng ika-57 anibersaryo ng NPA, kahit walang nakikitang malaking banta, ayon sa Philippine Army.
MILITAR, MANANATILING NAKA-ALERTO SA HOLIDAY SEASON SA KABILA NG IKA-57 ANIBERSARYO NG NPA

Inihayag ng Philippine Army na mananatiling naka-alerto ang mga tropa sa buong holiday season, bagama’t walang nakikitang malaking banta kaugnay ng ika-57 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Disyembre 26.

Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, hindi magpapakampante ang militar sa security operations at patuloy na tutugisin ang mga natitirang miyembro ng NPA, na aniya’y humihina na ang puwersa.

Kasabay nito, nanawagan ang Philippine Army sa mga natitirang rebelde na magbaba ng armas at makilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan at reintegration.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail