Jordanian National na Iniuugnay sa Sydney Terror Attack, Inaresto sa Pagadian City dahil sa Immigration Violations

CAMP SANG-AN, Zamboanga del Sur
Jordanian National na Iniuugnay sa Sydney Terror Attack, Inaresto sa Pagadian City dahil sa Immigration Violations

Inaresto noong Marso 2, 2026 ang 65-anyos na Jordanian national na si Mohammad Odeh Saleh Odeh sa Pagadian City dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940, kabilang ang overstay at pagsasagawa ng negosyo nang walang kaukulang visa o permit.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), lumitaw ang pangalan ni Odeh sa mga rekord na may kaugnayan sa mga suspek sa Disyembre 14, 2025 terrorist attack malapit sa Bondi Beach sa Sydney, Australia.

 Gayunman, nilinaw ng mga awtoridad na wala pang ebidensyang direktang nag-uugnay sa kanya sa aktwal na teroristang aktibidad.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng BI at Philippine National Police, katuwang ang Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng Joint Task Force ZAMPELAN. Patuloy ang koordinasyon sa mga lokal at internasyonal na ahensya kaugnay ng kaso.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail