GOBYERNO HANDANG TULONGAN ANG MGA OFWs SA MIDDLE EAST; WALANG MASS REPATRIATION

Giniit ng Department of Migrant Workers na handa ang gobyerno sa pagtulong sa mga OFWs sa Middle East, ngunit walang planong mass repatriation sa kasalukuyan.
GOBYERNO HANDANG TULONGAN ANG MGA OFWs SA MIDDLE EAST; WALANG MASS REPATRIATION

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pangunguna ni Secretary Hans Leo Cacdac sa isang press briefing sa Malacañang ngayong Marso 2, 2026, na handa ang gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng kaguluhan sa rehiyon ng Middle East.

Ayon kay Secretary Cacdac, walang planong mass repatriation sa kasalukuyan, subalit mariing pinayuhan ang mga OFWs na patuloy na sundin ang mga opisyal na advisory ng pamahalaan at maging mapanuri sa kanilang kaligtasan habang umiinit ang sitwasyon sa nasabing rehiyon.

“Patuloy naming minomonitor ang sitwasyon at nakahanda ang embahada at mga kinatawan ng gobyerno upang magbigay ng tulong sa ating mga kababayan,” ani Cacdac.

Ang DMW ay nananawagan din sa mga OFWs at kanilang pamilya na manatiling updated sa mga balita at abiso mula sa embahada at sa Department of Foreign Affairs kaugnay sa seguridad at proteksyon ng mga Pilipino sa Middle East.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail