Fishpond Caretaker, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Sementeryo ng Kumalarang. Zamboanga del Sur

Isang fishpond caretaker ang naaresto sa buy-bust operation malapit sa sementeryo sa Kumalarang, Zamboanga del Sur matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.
Fishpond Caretaker, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Sementeryo ng Kumalarang. Zamboanga del Sur

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Kumalarang, Zamboanga del Sur — Arestado ang isang 42-anyos na tagapangalaga ng fishpond sa isinagawang buy-bust operation ng Kumalarang Municipal Police Station (MPS) dakong alas-8:15 ng gabi, Agosto 6, 2025, sa Purok Malig, Barangay Poblacion ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si David, residente ng Barangay Secade, Kumalarang. Nakuha sa kanya ang isang maliit at isang malaking heat-sealed na transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang PHP 500 bill na ginamit bilang buy-bust money, at isang itim na Honor 6xb cellphone.

Ayon sa mga awtoridad, agad na dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Zamboanga del Sur Provincial Forensic Unit sa Camp Abelon, Pagadian City para sa pagsusuri.

Samantala, nasa kustodiya na ng Kumalarang Police si David habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

Source: PD ZSPPO, PRO 9

Philippine People's Press | In Truth We Prevail