DOE: Hindi Pa Kailangan ang Rasyon sa Krudo sa Gitna ng Sapat na Suplay

For more News and Current Affairs Visit ; www.philippinepeoplespress.com
DOE: Hindi Pa Kailangan ang Rasyon sa Krudo sa Gitna ng Sapat na Suplay

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na hindi pa kinakailangan ang pagpapatupad ng fuel rationing sa bansa dahil sapat pa ang suplay ng krudo.

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis at nagpapatuloy na tensyon sa Middle East, sinabi ng DOE na may mahigit 40 araw na imbentaryo ng gasolina at diesel ang Pilipinas. Mayroon ding mga hakbang ang ahensya upang maiwasan ang hoarding at matiyak ang tuloy-tuloy na distribusyon ng suplay.

Sa kasalukuyan, iginiit ng DOE na walang kakulangan sa suplay ng krudo sa bansa. Gayunpaman, pinaigting ang pagbabantay laban sa mga nagtatago ng langis upang maiwasan ang artipisyal na kakapusan.

Tinitingnan din ng pamahalaan ang pagpapalakas ng ugnayan sa ibang bansa tulad ng Russia at China upang masiguro ang sapat at matatag na suplay ng krudo.

Samantala, hinikayat ng DOE ang publiko na iwasan ang panic buying at i-report sa ahensya o sa pamamagitan ng E-Gov PH app ang anumang iregularidad o pang-aabuso ng mga gasolinahan.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail