DepartmentofAgricultu, bukas sa pakikipagtulungan sa Zamboanga del Sur para sa farm-to-market roads

Bukas ang Department of Agriculture sa pakikipag-partner sa Zamboanga del Sur para sa 26 farm-to-market road projects sa 21 munisipalidad na nagkakahalaga ng ₱370 milyon.
DepartmentofAgricultu, bukas sa pakikipagtulungan sa Zamboanga del Sur para sa farm-to-market roads

Bukas ang Department of Agriculture sa pakikipag-partner sa pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Sur para sa pagpapatupad ng mga proyektong farm-to-market roads sa buong lalawigan.


Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., handa ang DA na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mapabuti ang imprastrakturang magpapabilis sa pagdadala ng mga produktong agrikultural mula sa mga sakahan patungo sa pamilihan.


Sa isang liham na ipinadala sa DA, tinukoy ng pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Sur ang 26 na prayoridad na proyektong kalsada na matatagpuan sa 21 munisipalidad, kabilang ang Pagadian City.

Tinatayang aabot sa ₱370 milyon ang kabuuang pondong kinakailangan para sa pinagsamang pagpapatupad ng mga proyekto kasama ang pambansang pamahalaan.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail