Department of Agriculture Maglalaan ng ₱1-Billion pesos na Tulong para sa Magsasaka at Mangingisda sa Gitna ng Oil Price Hike

Department of Agriculture Press releases
Department of Agriculture Maglalaan ng ₱1-Billion pesos na Tulong para sa Magsasaka at Mangingisda sa Gitna ng Oil Price Hike

Maglalaan ang Department of Agriculture (DA) ng ₱1 bilyong quick response fund (QRF) upang suportahan ang mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., gagamitin ang pondo para sa fuel subsidy ng mga mangingisda at pagbili ng biofertilizer para sa mga magsasaka, kung saan tinatayang ₱500 milyon ang ilalaan upang mapanatili ang produksyon.

Pinalalakas din ng DA ang suplay ng pataba at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang matiyak ang sapat na buffer stock.

Samantala, ilalabas din ang ₱10 bilyon sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fishers (PAFF), kung saan mahigit 4.1 milyong benepisyaryo ang makatatanggap ng ₱2,325 bawat isa simula Abril 6.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail