Bilang ng mga Apektado ng Habagat at Bagyong Jacinto, Umabot na sa Higit 143,000 — NDRRMC

Umabot na sa higit 143,000 katao ang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong Jacinto, ayon sa NDRRMC.
Bilang ng mga Apektado ng Habagat at Bagyong Jacinto, Umabot na sa Higit 143,000 — NDRRMC

Umabot na sa 143,719 katao o 29,703 pamilya ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Jacinto, batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, CARAGA, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pinakamaraming naitalang apektado sa BARMM, kung saan mahigit 1,000 katao ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center. Sa ngayon, aabot pa sa 54 na lugar sa rehiyon ang lubog sa baha.

Samantala, iniulat din ang pagkasira ng mahigit 400 kabahayan sa Zamboanga Peninsula bunsod ng matinding pag-ulan at pagbaha.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa mga apektadong lugar habang nagpapatuloy ang operasyon ng relief at rescue para sa mga residente.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail