BAYAN NG TIPO-TIPO, BASILAN, UNDER SIEGE; MGA AKTIBIDAD SUSPENDIDO

Bayan ng Tipo-Tipo, Basilan, isinailalim sa pansamantalang suspensyon ng klase, trabaho, at kabuhayan dahil sa umano’y pag-atake ng armadong grupo na konektado sa MILF.
BAYAN NG TIPO-TIPO, BASILAN, UNDER SIEGE; MGA AKTIBIDAD SUSPENDIDO

Basilan — Isinailalim sa pag-atake ng mga armadong grupo ang bayan ng Tipo-Tipo sa Basilan, ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan nitong Martes.

Sa inilabas na anunsyo sa opisyal na Facebook page ng Municipal Government of Tipo-Tipo, sinabi ng LGU na ang naturang mga armadong elemento ay umano’y may kaugnayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Dahil sa kaguluhan, suspendido muna ang lahat ng klase, trabaho sa pamahalaan, at mga gawaing pang-ekonomiya sa naturang bayan hanggang sa magkaroon ng karagdagang abiso.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga lokal na opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga residente.

Philippine People's Press | In Truth We Prevail