Authorities Seize 7 Kilos of Suspected Marijuana in Zamboanga City Buy-Bust Operation

Authorities seized 7 kilos of suspected marijuana and arrested two individuals in a pre-dawn buy-bust operation in Barangay Pasonanca, Zamboanga City.
Authorities Seize 7 Kilos of Suspected Marijuana in Zamboanga City Buy-Bust Operation

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

ZAMBOANGA CITY — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang pitong (7) kilo ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana mula sa dalawang suspek sa isang matagumpay na anti-illegal drug operation na isinagawa sa Barangay Pasonanca, dakong alas-3 ng madaling araw ngayong Biyernes, Hunyo 21.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, ikinasa ang buy-bust operation matapos ang ilang linggong surveillance at koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Agad na inaresto ang dalawang lalaking target ng operasyon matapos umanong bentahan ng iligal na droga ang isang undercover operative.

Ayon sa pulisya, ang mga nakumpiskang kontrabando ay may tinatayang bigat na 7 kilo at inaasahang aabot sa daan-libong piso ang halaga sa merkado. Dinala na ang mga ito sa Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri.

“Malaking tagumpay ito sa ating patuloy na kampanya laban sa iligal na droga. Hindi kami titigil hangga’t hindi nalilinis ang ating lungsod mula sa mga sindikatong nagpapakalat ng bawal na gamot,” pahayag ng isang opisyal ng Zamboanga City Police.

Hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Sila ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga upang mas mapabilis ang pagsugpo sa naturang krimen.

Source: Zamboanga City Police 

Philippine People's Press | In Truth We Prevail