13 Tripulante Ligtas sa Pagkaka-Stranded ng LCT Golden Phoenix sa Camarines Sur

Ligtas ang 13 tripulanteng Pilipino matapos tumagilid at ma-stranded ang LCT Golden Phoenix sa San Miguel Bay, Camarines Sur dahil sa malakas na hangin at alon.
13 Tripulante Ligtas sa Pagkaka-Stranded ng LCT Golden Phoenix sa Camarines Sur

By Sherman Calotes | Philippine People's Press 

Camarines Sur — Ligtas ang 13 tripulanteng Pilipino ng LCT Golden Phoenix matapos itong ma-stranded sa karagatang sakop ng San Miguel Bay, Barangay Matandang Siruma, Camarines Sur noong Agosto 7, 2025.

Ayon sa ulat ng Coast Guard District Bicol (CGDBCL), mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Camarines Sur kasama ang Coast Guard Sub Station Tamban, Coast Guard Mobile Team Siruma, at Marine Environmental Protection Enforcement and Response Group Bicol (MEP ERG BCL). Batay sa isinagawang imbestigasyon, sanhi ng insidente ang malalakas na hangin at malalaking alon sa lugar.

Nabatid na may kargang mga construction materials ang Golden Phoenix nang mangyari ang insidente. Tiniyak ng PCG na nasa ligtas at maayos na kalagayan ang lahat ng tripulante. Patuloy ding mino-monitor ang barko upang matiyak na walang naganap na oil spill o pinsala sa kapaligiran.

Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga opisyal ng barangay at kinatawan ng barko upang masiguro ang tamang pag-uulat at pagsunod sa mga itinakdang patakaran sa maritime safety.

Courtesy | Coast Guard District Bicol

Philippine People's Press | In Truth We Prevail