Kailangan Bang Dumaan sa Barangay Bago Magsampa ng Kaso?

Legal Perspective by | Atty. Jill Bahian-Nebria
Kailangan Bang Dumaan sa Barangay Bago Magsampa ng Kaso?

Hindi lahat ng alitan ay maaaring direktang isampa sa korte. Sa ilalim ng Katarungang Pambarangay Law, maraming kaso lalo na yaong may kinalaman sa mga indibidwal na naninirahan sa iisang lungsod o munisipalidad ang kailangang dumaan muna sa barangay conciliation o mediation.

Layunin ng prosesong ito na maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan sa mabilis, maayos, at murang paraan, at mabawasan ang pagsisikip ng mga korte. Kung mabigong magkasundo ang mga panig, saka lamang maglalabas ang barangay ng Certificate to File Action upang maisampa ang kaso sa korte.

Mahalagang tandaan na ang hindi pagsunod sa mandatoryong barangay conciliation ay maaaring magresulta sa pagbasura ng kaso. Gayunman, may mga eksepsyon tulad ng agarang kaso, mabibigat na krimen, o mga partidong nakatira sa magkaibang lugar.

Sa usaping legal, mahalagang malaman hindi lamang kung anong kaso ang ihahain, kundi kung saan at paano ito dapat simulan.

Philippine People's Press | In Truth We PrevailĀ